Lahat sila tinatawag akong maswerteng babae dahil sa ganda, talino at kabaitan kong taglay ngunit para sa akin akoy isang napaka malas na babae dahil masungit sa akin ang aking ina dahil ampon lang ako, patay na ang ama ko dahil niligtas na ako sa sunog, at binubully ako ng mga anak ni ina. ako ang tagalinis ng bahay, kinakain ang tira-tira nilang pagkain, at natutulog sa basement kasama ng ibang kasambahay pero kahit ganun ang trato nila sa akin hindi ko parin sila tinaniman ng sama ng loob bagkus ay sinusunod at nananahimik nalang ako. Hanggang isang araw namimili ako ng recipe para sa lulutuin kong almusal nang makita ko ang isang napaka elegateng lalaki na nakasuot ng pang prinsipe. batid kong napaka gwapo siya kaya nahulog ako sa kanya. parang love at first sight pero hindi kami pwede dahil prinsipe siya at isang hamak na mahirap lang ako... ano kayang mangyayari sa kanila? yan ang ating alamin sa mala cinderella nilang kwento...