"Allen, gusto kita, hindi bilang kaibigan ngunit mas higit pa don" sambit ni James habang marahan niyang pinipisil-pisil ang aking mga kamay. Dahil sa tuwa ay agad ko itong niyakap at di ko naman naiwasang magtubig ang mata. "Ito na rin siguro ang tamang oras para sabihin saiyo ito James, matagal na kitang maha..." naputol ang sasabihin ko nang dumapo ang lahat na puting paro-paro sa kaniyang buong katawan na kahit ano mang parte ay di ko makita ngunit ramdam ko parin ang kaniyang mga kamay na nakahawak sa akinng mga kamay. Ang mga asul na paro-paro ay lumapit sa akin. Ang isa ang dumapo sa aking ulo at ang isa naman sa aking ilong. Dahil sa kiliting dala nito ay di ko naiwasang mabahing at sabay sa pagbahing ay ang pagliparan ng mga paro-paro at nang ibalik ko ag aking tingin kay James ay wala na ito. Para bang bula na bigla lamang naglaro sabay sa aking bahing at pagliparan ng mga paro-paro. Nakaramdam na ako ng takot at pag-iisa kaya nagawa nang kumawala ng mga luhang kanina pa naiipon sa aking mga talukap sa mata. Kung kanina ay luha ng saya ngayon ay naging luha ng pangangamba kung saan na ba napunta ang taong aking pinakamamahal. Hinawi ko ang hangin kung saan sya nakatayo kanina ngunit wala na talaga at nang tingnan ko ang paligid ay sobrang dilim na at ako lamang ang naroroon sa madilim na lugar na iyon. Kahit na ang mga paro-paro ay naglaro na rin na ang tanging naiwan ay ang isang asul na paro-parong nanatili sa aking ilong na dahilan upang akoy mabahing muli.