Warning 🔞: This is not suitable for young readers!
Yssa, desperate to save her sick mother, took a dangerous job. But a terrible mistake with drugs meant for someone else landed her in a nightmare. She ended up having a night with Tauruz Kulton, a famous billionaire, and got pregnant. But Tauruz, furious and blaming her, threatened her life. Yssa fled, hiding her pregnancy and vowing never to return.
Fate had other plans, and their paths crossed again, bringing back the pain and suffering she thought she'd escaped. Filled with hate, she agreed to a relationship with Tauruz's twin brother, Trez, just to get away from him. But Tauruz discovered the truth and, consumed by his obsession, vowed to claim both her and their child.
Will she be able to break free from his possession?
SBTBS | jayewel
For Better, For Worse, Till Death Do Us Part (Wedding Vows)
22 parts Complete
22 parts
Complete
For Better, For Worse
Puno ng pag-aalinlangan ang puso ni Annalor pero determinado siyang mamalagi sa Paraiso Almonte para kay Dave. At para na rin sa kanya.
"You are invading my privacy. Hindi na allowed ang guests sa lugar na ito." Parang dagundong ang boses na nagmula sa kanyang likuran.
Napalunok si Annalor. Kahit na hindi lingunin ay hindi niya maipagkakamali sa iba ang boses na iyon. Buwan ang inabot mula nang huli niyang makita ang asawa.
Bigla ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata. Ang nasa harap niya ay malayo sa Dave na nakilala noon. Hapis na hapis ang anyo nito.
Ikinurap ni Annalor ang mga mata. Gaano man kalaki ang pagbabago sa anyo ng asawa ay hindi pa rin nawawala ang pag-ibig niya rito. At ganoon na lang ang pagpipigil niya para huwag itong abutin at yakapin nang mahigpit.
"Dave..." Halos bulong na lang ang boses na lumabas sa lalamunan ni Annalor.
Pero parang dinala iyon ng hangin sa pandinig nito. Seryoso itong tumingin sa kanya at saka nagtagis ang mga bagang.
"Sino ka?" mariing tanong ni Dave.
-----
Till Death Do Us Part
Madalas sabihin ni Maris na hindi sila bagay ni Rommel. That they had nothing in common. Pero nang minsang mapagmasdan niya ang lalaki ay parang gusto na niyang kalimutan ang palaging sinasabi sa sarili.
The man had class!
And with Rommel, pakiramdam ni Maris ay parang naglaho ang lahat ng mga alalahanin niya sa buhay. Kaya kahit ilang beses na idinidikta ng kanyang isip na hindi sila bagay, ganoon din ang dami ng beses na itinatanggi iyon ng kanyang puso.
And now she was having second thoughts...