"Ang babae ay para sa lalaki at ang lalaki ay para sa babae lamang." Sa isang dikatadurang lipunan may dalawang babaeng nagkakilala na nagngangalang Gabriella Magbanua, isang tahimik at may madilim na nakaraan, at Selena Silang, isang madaldal at anak ng diktador. Parehas ang pamilya nila na hindi sang-ayon sa pagmamahalan ng parehas na kasarian ngunit si Gabriella ay isang bisexual at si Selena ay isang lesbian. Nagkagusto sila sa isa't isa ngunit 'di nila alam pareho. Matututo kaya ang kanilang lipunan na maintindihan ang kanilang kasarian o patuloy na paparusahan sila dahil dito?