Si Lysandra Alfonsina "Malaya" Gatchalian ay isa sa mga namuno ng isa sa mga kilusan noong panahon ng mga Hapon na ang tanging hiling ay ang maalagaan ang tanging natitirang mahal niya sa buhay na hindi niya magawang alagaan dahil sa takot na baka ay madamay 'to sa kanyang layunin. Ang layunin na makapaghiganti sa mga taong pumaslang sa pamilya niya at ang makalaya na ang mga Pilipino mula sa mga mananakop. Tiyak na makukuha nila ang kalayaan na kanilang hangad. Ang tanong ay madadatnan pa kaya nila ito kung sakaling darating na ito? Mabibigyan pa kaya siya ng pagkakataon na maalagaan ang taong mahal niya? Kailan pa?All Rights Reserved
1 part