Si Laura ay isang probinsyang babae na pursigidong maiahon ang mga magulang mula sa kahirapan at pangaapi ng mga mapangmatang tao. Gagawin nya ang lahat ng makakaya para matupad ang bagay na iyon kahit na ano basta ay kaya nya at makakatulong sakanya sa pagangat sa kahirapan. Kahit malayo sa pamilya ay kakayanin nya para lang makapagaral at makapagtrabaho ng maayos. Ngunit lahat ng iyon ay matutupad ng dahil sa isang lalaki. Sino ang lalaking iyon?