Man hater, mambabasag ng itlog, at hustler-ito ang reputasyon ni Hope San Miguel. Wala naman siyang pakialam, sa totoo lang. Ang mga mata niya ay naka-set sa iisang goal: ang may mailapag sa kanilang hapagkainan. Kaya naman nang malaman niyang minamata at hinahangad siya ng dati niyang kaklase at ngayo'y sikat na basketball player na si Champ Fernandez, nagduda siya. Palagay ni Hope, isa lang siya sa mga playtime ni Champ na gusto lang makaiskor. Pero sa kanyang pag-iwas, umaandar ang oras, at unti-unting naiisip ni Champ na baka wala nga talagang siyang pag-asa rito. Hahayaan na lang ba ni Hope na sumablay si Champ sa kanya, o magagawa ba niyang bigyan ng pagkakataon ang pag-ibig . . . bago mahuli ang lahat?