Hindi ko alam kung kailan naging basehan ang estado ng pamumuhay sa pag-ibig. Hindi ko alam na kapag nagmahal ka pala kailangan pasok ka sa pamantayan nila. Hindi pwedeng mahal mo lang. Kasi sa panahon ngayon kung mayaman ka, sa mayaman ka rin dapat umibig. Kung mahirap ka, sa mahirap ka lang iibig. Hindi ka pwedeng maghangad ng mas mataas. Pero hindi dahil mahirap lang kami ay pwede niyo na kong paglaruan, ako si Chloe Gael at sisiguraduhin kong magmamakaawa ka para sa pagmamahal ko.All Rights Reserved
1 part