Pag nag mahal ka, dapat handa ka sa lahat, handang maging masaya, masaktan, umiyak, magsakripisyo at higit sa lahat bumitaw sa taong naging matagal na parte ng buhay at pagkatao mo.
Kasi hindi lahat ng tao mananatili kung ano sila sa simula, dadaan at dadaan sa madaming pagsubok, na maaaring magpatibay o sumira sa iyo, pero dapat handa ka.
Dahil nagmahal ka, tumaya ka, kahit hindi mo alam kung anong magiging kapalit ng lahat ng yon.
Basta alam mo lang sa sarili mo, nag mahal ka, at naging sapat ka sa palagay mo, pero hindi pala sa kanya.
Para sa mga taong nasaktan ngunit natutong magmahal muli . . . eh ikaw kaya mo pa bang magmahal kung ikaw ang nasa sitwasyon niya magmamahal ka bang muli o pipiliin mo na lang mag - isa dahil natatakot kang masaktan muli.
Paano kung hindi pa pala huli ang lahat dahil may isang tao na lubos na magmamahal sayo susugal ka bang muli o susuko ka na lang kasi natatakot kang masaktan na naman sa pangalawang pagkakataon.
Walang masama kung magmahal kang muli dahil hindi darating ang taong para sayo kung hindi mo mararanasang masaktan ika nga okay lang masaktan sa una atleast kapag nagmahal ka ulit alam mo na ang tamang gagawin mo.
Pero paano na lang kung maraming hadlang sa pagmamahalan na nais nilang makamit . . . it is the end of their happy ending o ito pa lang ang simula nang pagmahahalan na nais nilang makamit.
Genre: Teen Fiction
Action
Lovestory
Mystery