(SOME SCENES MAY NOT BE SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCES)
4th installment of The Billionaire Bachelors Series
SCHIRINA SERANO, heiress to their family's empire. Pero iba ang gusto niyang gawin. She badly wanted to be a model, na mahigpit na tinututulan ng kanyang mga magulang. So she made a deal: she would marry someone that will manage their empire and she'd be what she wanted. Himalang pumayag ang mga magulang niya. But she knew why.
Her cousin, Zaccheus Villamonte, volunteered to help her. Nag-umpisa silang maghanap hanggang sa isang araw, ang sabi ng pinsan nya'y meron daw nagvovolunteer.
She then met GREGORY AGUILAR, her cousin's ambitious billionaire bachelor bestfriend just like him. Kahit na bilyonaryo na ito, nais pa rin daw nitong pamahalaan ang busines empire ng pamilya nila.
Nagkasundo sila. Naitakda ang kasal. A marriage that is different from those who has the same motive and deal as theirs. They acted sweet in front of others but stays civil towards each other. Schirina became what she dreamed of and Gregory got what he wanted.
Pero may epekto yata pati climate change kay Gregory. Ayaw na ayaw nitong may napapartner sa kanyang lalaki sa mga sexy photoshoots. Pero sabi nga nila, walang pakialamanan. They got what they wanted out of their marriage, anyway.
One photohoot, makakapartner ni Schirina ang ex nyang nakikipagbalikan pa sa kanya before her wedding and his husband's ex-girlfriend na nilalandi-landi pa ang lalaki!
Natulala yata ang ASAWA nya sa sexy poses na iyon ng photoshoots. Ang masaklap lang, mukhang sa ex nito natutulala ang asawa nya at hindi sa kanya!
Huh! Makikita ng asawa nya ang kayang gawin ng isang Schirina Serano!
-COMPLETED-
CONTENT: [BxB] Romance / Comedy / Heavy Drama / Slice of Life
Synopsis:
Sa loob ng sampung taon na magkakilala, paano nabuo ang samahan nina Randy at Rigo na higit pa sa magkaibigan ngunit hindi nila mabigyan ng titulo?
Si Randy Liam de Torres --- Matalinong tao kaya madaling naabot ang pangarap sa buhay na hinangad nito. Ngunit, sa kabila ng tagumpay ay iilan lamang ang nagmamalasakit dito. Iilang kaibigan lamang ang mayroon dahil sa hindi magandang pag-uugali nito. Mas ikinatutuwa niya kung siya ay isusumpa o kagagalitan. Pero sa kabilang banda, mayroon kayang nagtatago sa personalidad niyang ito? Mayroon kaya siyang mabigat na pinagdaanan sa buhay upang maging ganito? Kung mayroon man at atin iyong malalaman, patuloy pa rin kaya natin siyang kamumuhian?
Si Rigo Silvestre --- Isang mayaman at tanyag sa larangan ng pagmomodelo at pagluluto. Iniidolo ng lahat dahil sa taglay na kababaang-loob. Maaari niyang makuha ang ano mang bagay o ang kahit sino kung gugustuhin lamang nito. Ngunit sa kanyang sarili, may isang bagay lang siyang gusto --- ito ay ang makuha at mapaibig ang taong sampung taon na niyang binabantayan dahil sa ito ang itinitibok ng kanyang puso.
Tunghayan ang kanilang kwento na magbibigay kahulugan sa tunay na pag-iibigan. Saksihan ang samahang puno ng kulay tulad ng isang bahaghari na maaaring magbigay inspirasyon at magandang karanasan. Kilalanin si Randy na bida-kontrabida sa kwentong ito, at si Rigo na magpapa-ibig sa inyo.
***Side story po ito ng una kong isinulat na 'Taste of a True Love'. Pero maaari n'yo rin po itong basahin kahit hindi n'yo pa iyon nababasa. Salamat.
HIGHEST ACHIEVEMENT RANK IN ROMANCE CATEGORY: #185
GENERAL FICTION: #82
Started: December 2016
Completed: December 2017