Story cover for Isla Ng Mors by vvizmorrison
Isla Ng Mors
  • WpView
    Reads 5,764
  • WpVote
    Votes 812
  • WpPart
    Parts 36
  • WpView
    Reads 5,764
  • WpVote
    Votes 812
  • WpPart
    Parts 36
Complete, First published May 31, 2020
Mature
Si Kapitan Aurelio ay isang manlalayag na pirata na sumunod sa yapak ng kaniyang namayapa nang ama. Bata pa lamang ay tila hinihikayat na siya ng karagatan. Hindi maikakailang kaalon na niya ang malansang katubigan at gayon na rin ang maalat na hanging tila kalasa ng kaniyang mga luha't pawis.

Kinikilala niya pati ang panganib kaya nang mahagip ng kaniyang matalas na tainga ang bali-balitang mayroon daw nakapaloob na kayamanan sa islang pinangingilagan ng karamihan, napagpasiyahan niyang kaibiganin muli ang panibagong panganib na susuungin. Ipinagkibit-balikat niya ang mga agam-agam sa isipan sa pagnanais na maging pinakamakapangyarihan na titingalain ng lahat.

Umalis siyang dala ang pangako sa sariling uuwi siyang ligtas na may limpak-limpak na ginto't salapi. Subalit, papaano niya tatakasan ang nakaambang delubyo na naghihintay sa kaniya sa parang? Higit sa lahat, hindi mawari ng Kapitan kung paano niya lalabanan ang tuksong dulot ng isang misteryosong nilalang na kanilang natagpuan.
All Rights Reserved
Sign up to add Isla Ng Mors to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
Ang Alamat ni Prinsipe Malik by Ai_Tenshi
7 parts Complete Mature
"Narinig mo na ba ang kwento tungkol sa alamat ng isang mabangis na nilalang sa ilalim ng dagat? Ang halimaw na ito ay sinasabing pinaka makapangyarihang likha na nabubuhay sa anyong tubig at dahil dito siya ang itinuturing na prinsipe ng lahat ng mga naninirahan doon. Mapa isda, balyena, pating at iba pang yamang tubig ay kanyang pag aari. Siya rin ang itinuturong dahilan ng mga aksidente at trahedya sa gitna ng karagatan. Ang mga lumubog na barko at mga nawawalang sasakyang pang hipapawid ay isinisisi din sa kanyang taglay na kapangyarihan. Pinaniniwalaang siya ay naka tira sa pinaka ilalim ng karagatan kung saan ang pinaka palatandaan nito ay ang hugis tatsulok na ibabaw ng tubig at ito ang tinawag na "Bermuda Triangle." Isang ito natatanging nilalang na kalahating tao at kalahating dragon ang katawan. Para itong isang sirena ngunit ang kanyang buntot ay binatay sa isang dragon na may matutulis na pangil at mahahabang kuko. Pangit ito at talagang kinatatakutan ng lahat. Sinasabing kumain ito ng karne ng mga hayop sa ilalim ng dagat ngunit mas paborito nya ang karne ng tao dahil kakaiba daw ang lasa at amoy nito kaya naman ang lahat ng mortal na naliligaw ng gitna ng karagatan ay kanyang binibiktima at ginagawang pang himagas. Ayon sa mga libro at iba pang dokumento, marami na daw ang na ka kita sa nilalang na ito dahil may may mangilan-ngilang imahe ng hindi maipaliwanag na nilalang ang nahahagip ng kanilang mga kamera kaya naman mas lalo pang nabubuhay ang haka- haka tungkol sa alamat ni Malik."
Sereia by angelparlab
30 parts Complete
"Naniniwala ka bang may mga iba pang nilalang sa ilalim ng karagatan?" Pinagbabawalan syang maligo sa dagat. Pinagbabawalan din syang maligo sa mga pools. Weird ang tingin sa kanya ng mga tao simula noong bata pa sya. Kamamatay lang ng kanyang ina at hindi nya pa nakikita ang kanyang ama. Ang sabi sa kanya ng kanyang ina ay isa raw itong kapitan ng barko at ito ang dahilan kung bakit ito namatay. Lumubog ang barko dahil sa isang bagyo. Kaya simulan noon ay pinagbabawalan na syang lumapit sa dagat o sa kahit na anong anyo ng tubig Sya si AMESHIRE SUXEIA DAVISON. 18 anyos na dalagang nakatira sa tiyahin nyang may-ari ng isang resort. Bata pa lang sya ay iniiwasan na nya ang karagatan, maiiwasan nya pa kaya ito kung ito na mismo ang lumalapit sa kanya? Sa ilalim ng karagatan na hindi lang mismo mga isda ang mga nakatira, may mga engkantong-tubig ding lihim na namumuhay. Ano ba ang koneksyon nya sa dagat? At bakit sya pinagbabawalan dito? Dito kaya nya mahanap ang kulang na parte sa buhay nya? Rank 1 in Sirena (2022) Rank #1 in Karagatan Rank #3 in Mermaids Rank #3 in Dagat Rank #9 in Mythical Creatures Rank # 3 in Missions Rank # 4 in Underwater Rank #136 in Chicklit As of JUNE & JULY 2020 --- Rank #487 in Fantasy (May 2018) Rank # 155 in Fantasy (Sept 2018) Rank #3 in the OCEAN category (Sept 2018) Rank #1 KARAGATAN category (March 2019) Rank #4 MISSIONS category (March 2019) All rights reserved © 2017 Written by Anjhe Parlab (Former username: AnjheTheAlien) ps. medyo di ko pa naayos 'to huhu. gusto ko siyang i-revise kasi ang jeje talaga ng 2017 self ko habang sinusulat ko 'to dsfnkdsfkds. kapag di ako busy sa college, i'll edit this. - anjhe, 2022. thanks sa mga sumuporta!! love u all waaAAaaAaAAaa
You may also like
Slide 1 of 17
The Hollow Gods cover
𝘼𝙙𝙧𝙚𝙣𝙖𝙡𝙞𝙣𝙚 𝙅𝙪𝙣𝙠𝙞𝙚𝙨 : 𝙈𝙖𝙩𝙧𝙪𝙘𝙪𝙡𝙖𝙣 cover
El Gobernador General De Mi Corazón cover
Lost in San Vesta  cover
Ang Alamat ni Prinsipe Malik cover
Sereia cover
Hiraya Manawari cover
Beautifully Unfinished cover
ASWANG: Kampon ng Kadiliman ( Book 1 ) cover
Amari [Tagalog] cover
The Mermaid Princess (Complete) cover
Sirene cover
Into The Deep cover
Ditto cover
Tonyo Chronicles: Ang Paglalakbay ng itinakda cover
LUMINOUS (Fantasy Novel) cover
WHO ARE YOU? cover

The Hollow Gods

20 parts Ongoing

"Hindi lahat ng diyos ay sinasamba. Yung iba... tinatago." Sa baryo ng Elaren, tradisyon ang Alay-bawat sampung taon, isang bata ang ibinibigay sa mga diyos. Kapalit daw ng kapayapaan. Walang tanong, walang laban. Basta't may mawala, lahat ligtas. Pero si Elira ay may alaala. Alaala ng huling Alay-kahit dapat, wala. Alaala ng nilalang na may balat na parang basag na salamin, mata na pabaliktad ang galaw, at tinig na parang sarili mong iniisip. Nung siya ang sunod na pinili, hindi siya namatay. Gumising siya sa kabilang mundo-isang sirang repleksyon ng Elaren kung saan ang mga puno ay bulag, ang langit ay may sugat, at ang oras ay tumutulo pabalik. Dito, nalaman niyang ang mga diyos ay hindi lumikha ng mundo. Sila ang bunga ng kasalanan ng tao. At siya... siya ang nagpabagsak ng una sa kanila. As Elira digs deeper, reality begins to break-literally. Her past shifts with every decision. People she trusts change faces. Memories rewrite themselves. And in the end, she must choose: Iligtas ang mundo... o basagin ito para maalala kung sino talaga siya. ✨ Kung nagustuhan mo ang Coraline, Attack on Titan, at Black Mirror-handa ka na bang pumasok sa mundong hindi mo alam kung bangungot o alaala?