- ON GOING STORY - Kapag sinabi nating marupok ang isang tao, ano'ng unang lumalabas sa utak natin? Kapag marupok ka, aabusuhin ka, kapag marupok ka, paglalaruan ang damdamin mo, kapag marupok ka lagi kang umiiyak dahil soft-hearted ka. Pero looking on the positive side, kapag marupok ka, mabait ka. Kapag marupok ka, mapagmahal ka. Kapag marupok ka, mapagpatawad at mapagkumbaba ka. Itong storyang ito ay tungkol sa isang babae na walang karanasan sa pag-ibig, ang akala niya sa lahat ng lalaki ay lolokohin at aabusuhin lamang siya. Ngunit paano naman kung makakilala siya ng isang lalaking sobra kung mang-asar at tingin niya she met the worst guy in her life. Ngunit ang 'di niya alam, sa bawat pang-aasar, bawat pangbubwisit sa kan'ya ng lalaking ito, mapagtanto niya kung ano nga ba talaga ang kahulugan ng PAG-IBIG. LOVELIFE? MAKAKAIN KO BA 'YAN? Sus, walang kwenta, dagdag lang sa problema at gastusin, iiyak ka pa kasi lolokohin ka lang naman, pero ang pagkain? Kahit gaano kasimple kaya kang pasayahin! Hindi gaya ng pag-ibig. Lovelife? Makakain ko ba 'yan? Written by: Ghorlalu DATE STARTED: July 11, 2020 DATE ENDED: ----
44 parts