- ON GOING STORY -
Kapag sinabi nating marupok ang isang tao, ano'ng unang lumalabas sa utak natin? Kapag marupok ka, aabusuhin ka, kapag marupok ka, paglalaruan ang damdamin mo, kapag marupok ka lagi kang umiiyak dahil soft-hearted ka. Pero looking on the positive side, kapag marupok ka, mabait ka. Kapag marupok ka, mapagmahal ka. Kapag marupok ka, mapagpatawad at mapagkumbaba ka.
Itong storyang ito ay tungkol sa isang babae na walang karanasan sa pag-ibig, ang akala niya sa lahat ng lalaki ay lolokohin at aabusuhin lamang siya. Ngunit paano naman kung makakilala siya ng isang lalaking sobra kung mang-asar at tingin niya she met the worst guy in her life. Ngunit ang 'di niya alam, sa bawat pang-aasar, bawat pangbubwisit sa kan'ya ng lalaking ito, mapagtanto niya kung ano nga ba talaga ang kahulugan ng PAG-IBIG.
LOVELIFE? MAKAKAIN KO BA 'YAN? Sus, walang kwenta, dagdag lang sa problema at gastusin, iiyak ka pa kasi lolokohin ka lang naman, pero ang pagkain? Kahit gaano kasimple kaya kang pasayahin! Hindi gaya ng pag-ibig.
Lovelife? Makakain ko ba 'yan?
Written by: Ghorlalu
DATE STARTED: July 11, 2020
DATE ENDED: ----
Kapag nagmahal tayo ay magagawa natin yung mga bagay na hindi natin ineexpect na magagawa 'no?
Magiging tanga tayo kahit alam nating matalino tayo ng dahil sa pag-ibig.
Paano ang gagawin mo kung yung lalaking minahal mo na sinaktan ka dati ay magbalik? Magbalik na may kasama ng bagong babae at papakasalan?
Pero paano kung magawa mong magkaroon ng affair sa lalaking minahal mo? Ang pinakamahirap na desisyon ay ang magmahal ng lalaking alam mong hindi mo na pag-aari at kahit alam mong mali ay hindi ganon kadali tapusin.
Minsan sa pag-ibig, Hindi sapat na mahal niyo lang ang isa't isa. Hindi sapat na magkasama kayo lalo na kung alam niyong may matatapakan kayong tao na wala namang nagawang pagkakamali sainyo.
Loving a person in a wrong timing isn't easy but how they can pass those struggles until the end?
How they will fight their love until the end knowing that they will hurt someone else?