Mga Taong mula sa magkakaibang mundo, nagsama sama sa iisang Paaralan.
Isang babaeng walang alam kundi ang manakit ng tao, at walang ibang alam mahalin kundi ang sarili niya.
Mababago ba siya ng Isang lalaking perpekto? Isang Natural na Perpektong lalaki, ika nga 'MAN OF EVERY GIRLS DREAM'. Ano nga ba mangyayare sa kanilang dalawa kapag sila'y nagtagpo? sabi nga nila 'OPPOSITE ATTRACTS' may posibilidad bang maattract sila sa isat isa dahil sila ay magkabaliktad? o ang kanilang pagiging Baligtad ang magiging hadlang sa kanilang lovestory? masyado bang perpekto ang lalaki para sa katulad niyang masamang babae?
Isang Lalaking nabubuhay sa nakaraan at puno ng misteryo sa buhay, Ano ang mangyayari sa kaniya kung Makilala niya ang isang Babaeng hindi marunong makuntento, at tulad niya nabubuhay din ito sa nakaraan. Kaya na ba nilang harapin ng magkasama ang kasalukuyan? o susuko nalang sila at mananatiling sa nakaraan mabubuhay para lang maibalik ang kanilang tahimik at kontentong buhay? oh haharapin na nila ang kasalukuyan at sabay na makikibaka sa mga pagsubok na naghihintay sa kanila.
Isang Babaeng nagtatago sa isang maskara, Sino nga ba ang babae sa likod ng maskara? bakit nga ba siya nagtatago sa isang mapaglarong maskara? Paano kung lahat ng pinaghirapan niya, lahat ng ginawa niya upang gumanda ang kaniyang imahe ay mawala nalang bigla na parang bula ng dahil sa isang inosente at mahinang utak na lalaki. Isang lalaking nakakapagpaalis ng maskara sa babaeng iyon, makakaya niya bang tanggalin ang maskarang iyon at ipakita ang tunay na siya o ipagpapatuloy niya ang pagtatago sa kaniyang maskara alang alang sa kaniya ipinundar na magandang imahe.
Subaybayan niyo ang istoryang magpapakilig, magpapaiyak, magpapagalit at makapagpapasaya sa inyo.
ITO ANG CLASH OF HEARTS
All Rights Reserved (c) 2014