Salting My Scars [Everlasting Duology: Book 1]
6 parts Ongoing MatureFrom the Everlasting Duology,
"Ano ba talaga ang pakiramdam ng masaktan dahil sa pag-ibig?"
Isa itong tanong na matagal nang bumabagabag kay Everlace Persephone Del Valle - isang babaeng walang ideya kung ano ba ang mga dapat gawin sa tuwing umiibig, kaya't nagpapatiagos na lamang sa lahat ng mga pangyayari. May mga nagugustuhan siya, oo, pero ni minsan ay hindi siya umabot sa puntong handang isuko ang sarili ng buong buo.
Hanggang sa dumating siya - ang lalaking parang unos na ginigising ang katahimikan ng kanyang mundo. Sa bawat ngiti, sa bawat titig, unti-unti niyang nakikilala ang kakaibang anyo ng pag-ibig... at ang hapding dala nito.
Ngunit kapag puso na ang nasaktan, may magagawa pa ba ang isipan?
Matututo kaya si Eve na magmahal nang may hangganan - o tuluyan na lang siyang malulunod sa damdaming hindi niya inasahang papasok sa kaniyang buhay?