#1- katha (06/17/2020) Sinimulan: Ika-31 ng Mayo, taong 2020 Natapos: Ika-12 ng June sa parehong taon. Bawat ponema ay may kahulugan kapag may kasama ay nakakabuo ng morpema na maaari namang makalikha ng salitang ipinapakahulugan ng bawat titik. Mahalaga ang bawat titik na tunay na nagpapatingkad ng mga masalita. Gaya ng buhay na siyang nilalapian ng iba't ibang pangyayari para mabuo ang isang buhay. Punô ng kwento ang ating buhay na maaaring isalin sa anumang porma ng akda gaya na lamang ng isang tula. Ito ang lukbutan ko ng mga tulang sumubok sa aking kaisipan likha ng mapanghamong paraan ng social media. Isang challenge ito sa akin mula sa mga kaibigan ko sa facebook na likhaan ang bawat naisip nilang pamagat. Basahin nang malaman, maraming salamat! Crdt to the owner of the photo I have used as my cover page, from Girly Wallpapers.All Rights Reserved