Noong nasa Junior high school si Apollo ay may babae syang lihim na minamahal ngunit hindi sya nagkaroon ng pagkakataon na masabi o maipakita manlang sa dalaga ang kanyang tunay na nararamdaman. Kahit nagkaroon ng pagkakataong magkaharap at magkasama sila ay hindi sya nabibigyan ng pansin ng dalaga bukod pa dun ay nalipat ng school ang dalaga at hindi na nya tuluyang nakita. Sa paglipas ng panahon ay hindi parin nawawala sa puso at isip ni Apollo ang dalaga at para sa kanya ay walang kayang pumantay sa mga katangian nitong taglay. Ang mapangakit na mukha ng dalaga at ang maganda nitong tinig ay laging nasa kanyang aalala. Ipahintulot pa kaya ng tadhana ang kanilang muling pagkikita? Papaano kung sa pagkakataon na yun ay komplikado na? Kakayanin pa rin kaya nyang ipaglaban ang pagmamahal nya?All Rights Reserved