Para kay Elliette, ipinanganak siya para lamang maranasan lahat ng kamalasan sa mundo. Mula sa malupit na pamilyang mayroon siya hanggang sa kamalasan sa trabaho at maging sa buhay pag-ibig, lahat yata ay nasalo na niya. Nang makilala niya ang arogante pero saksakan ng gwapo niyang boss, akala niya ay magbabago na ang kanyang malas na buhay. Akala lamang pala niya iyon. Kung malas na siya noon, mas minamalas siya ngayon dahil sa bwisit at arogante pero ubod ng gwapo niyang boss.