"You're still the same beautiful sky that I want to be mine." Si Jelly ay isang ordinaryong babaeng naghahanap ng trabaho. Si Leo naman ay isang sikat na singer at aktor-isang bituing tinitingala ng lahat. Nang maging personal assistant si Jelly ni Leo, handa siya sa lahat ng sungit at pagsubok na haharapin niya. Ang hindi niya pinaghandaan ay ang matuklasang sa likod ng marangyang buhay nito ay isang lalaking may mabuti at mapagbigay na puso. Madaling mahulog sa isang katulad ni Leo, pero paano mo ipaglalaban ang pag-ibig kung alam mong magkaiba kayo ng mundo? Isang simpleng PA laban sa isang lalakeng tila isang langit na mahirap abutin. Gustuhin man niyang lumipad, natatakot siyang baka sa huli ay maiwan lang siyang nakatingala sa kawalan. ••••• Date Started: July 2, 2019 Date Finished: September 19, 2020
Detail lengkap