Magagawa kaya niyang panindigan ang kanyang desisyon na maging alagad ng Diyos? O mas mananaig ang pagmamahal sa isang taong pilit na kinalimutan?
Sa kanyang pagkabata, hindi naramdaman ni Katie ang pagmamahal ng kanyang ama. Sinisisi siya nito sa isang malagim na trahedya ng nakaraan. Dahil dito, napilitan si Katie na kalimutan ang isang pangarap na kanyang binuo, isang pangarap na kukumpleto sana sa kanya at magbibigay kahulugan sa kanyang buhay.
Ngunit dahil sa patuloy na pagkadama ng kakulangang ito, magdedesisyon sya na maglakas loob at yakapin ang kanyang kinalimutang pangarap. Sa desisyong ito, ay haharapin ni Katie ang posibilidad nang hindi nila tuluyang pagkakaayos ng kanyang ama, at ang pag-iwan sa mga taong mahal niya, tulad ng mga kaibigan, at si Marcus, isang lalaking sobra ang pagmamahal sa kanya.
Maraming pagsubok ang kanyang pagdadaanan, kaya kinakailangan niya ng lakas, tibay ng loob, at pananalig sa Diyos.
Slendio Maurik "Slen" Rigal, a confident gay man, has always been at odds with Elianna Reveles, a fiery and ambitious Volleyball Captain.
Paano kung ang pinakamalaking kalaban niya sa buhay, siya pa palang magpapabago ng lahat? Paano kung ang hindi niya inaasahang nararamdaman ay magtulak sa kanya na tanungin ang kanyang sarili?
Paano niya tatanggapin sa sarili ang nararamdaman niyang pag-ibig para sa isang babae, at sa babae pang tinuturing niyang kaaway?
Second Book of Vexed Men Series.
Dual Point of View.