Magagawa kaya niyang panindigan ang kanyang desisyon na maging alagad ng Diyos? O mas mananaig ang pagmamahal sa isang taong pilit na kinalimutan?
Sa kanyang pagkabata, hindi naramdaman ni Katie ang pagmamahal ng kanyang ama. Sinisisi siya nito sa isang malagim na trahedya ng nakaraan. Dahil dito, napilitan si Katie na kalimutan ang isang pangarap na kanyang binuo, isang pangarap na kukumpleto sana sa kanya at magbibigay kahulugan sa kanyang buhay.
Ngunit dahil sa patuloy na pagkadama ng kakulangang ito, magdedesisyon sya na maglakas loob at yakapin ang kanyang kinalimutang pangarap. Sa desisyong ito, ay haharapin ni Katie ang posibilidad nang hindi nila tuluyang pagkakaayos ng kanyang ama, at ang pag-iwan sa mga taong mahal niya, tulad ng mga kaibigan, at si Marcus, isang lalaking sobra ang pagmamahal sa kanya.
Maraming pagsubok ang kanyang pagdadaanan, kaya kinakailangan niya ng lakas, tibay ng loob, at pananalig sa Diyos.
Isang mayamang dalaga ang iibig sa kanilang hardinero, ngunit tutol naman ang mga magulang nito dahil sa magkaiba ang estado ng buhay nila.
Paano kaya maipaglalaban ang pag-ibig na nabuo kung pilit itong sisirain ng isang kasinungalingan? Kasinungalingan na dahilan ng pagkamuhi mo sa isang taong labis mong minamahal. Kasinungalingan na wawasak sa mga pangarap at masaya sanang pagsasama. Matanggap mo kaya ang katotohanan kung sa huli ay malaman mong pinilit lang kayong sirain ng isang taong malapit sa buhay mo? Paano kung malaman mong inosente pala ang taong tinaniman mo ng galit sa puso mo? Maibabalik pa ba sa dati ang lahat kung masyado ng malalim ang sugat na naging dulot nito sa isang taong walang ibang ginawa kundi mahalin ka?