Kailan ba kita unang nakita? Kailan ba kita unang nakilala? Kailan ba kita unang nakausap? Saan nga ba tayo nagsimula? Ah! Naalala ko na. Sa dulo. Sa dulo tayo nagsimula. "I cried almost every night after the day you broke up with me and tonight, the last teardrop shall be the last one that I will shed for you. Because, clearly, you're not worth it. Ayaw mo ng serious commitment? I didn't ask you to marry me," nanginginig ang boses na sabi ko sa kaniya. "I'm just too immature to be committed at the moment. I'm sorry." Matapos noon ay tumayo siya at naglakad palayo. Palayo nang palayo. Palayo sa taong pinangakuan niya dati na hinding-hindi niya ito tatalikuran.