Hindi talaga natin mapigilan ang takbo ng tadhana. Gagawin niya kung ano ang kanyang gusto at walang makaligil. Masaktan man tayo ay gagawin at itutuloy pa rin niya. Ngunit dala nito ay isang leksyon na makakapagpabago ng ating paningin sa buhay at kung paano tayo mamuhay sa mundong ginagalawan.