Paano kung isang araw, may makilala kang isang anghel? Este, isang lalakeng ubod ng gwapo. Tas malalaman mong mas matanda pala sya sa 'yo ng 9 na taon. Sayang diba? PAANO? >v<
Ayun! 'Di naglaon, naging magkaibigan kayo. Yung as in SUPER CLOSE (capslock para intense)! Turingan nyo sa isa't isa ay magkapatid. Pero 'di nyo alam na may namumuong feelings na pala kayo para sa isa't isa? Pwede ba yun? Isang matanda at isang bata? Tas naalala mo yung kasibahang "Age doesn't matter when it comes to love." Aba! PWEDE! Pwede pala, ano?
Nang maging klaro sa inyo ang tunay na nararamdaman nyo para sa isa't isa, eh 'di tinry nyo yun. Yung mga ligawan-ligawan. Tas, ayun na. Kilig-kilig na with all the HART-HART pa. Pero syempre, 'di talaga mawawalan ng eksena ang mga kontrabida. Tulad ng sa ibang kwento, paghihiwalayin at paghihiwalayin kayo ng kontrabida. Oh, ano na? The end na ba ng kasisimula nyo pang LOVE STORY? O lalaban kayo para sa pag-iibigan nyo (charmos ginamos tag-dos ang takos xD Hahahaha) Ano nga ba ang gagawin nyo?
Yan ang pakaabangan natin sa kwento na pagbibidahan nina Daniel Kenji Matsunaga as "Duane Kian Mizunuma" at Mariestella Racal as "Melody Shine Ramos".
Hello nga pala sa mga DanRis/MarNiel Shippers \(^o^)/
-SunnyMoonie <3
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.