Dakilang martir! Iyan ang pinaka-angkop na deskripsiyon kung paano magmahal si Hyacinth "Haya" Ortaleza. Kesehodang magkadurug-durog na ang puso niya sa tuwing pinamumukha ng ultimate bestfriend niyang si Sardonyx "Ardon" Castillo ang pagmamahal nito sa girlfriend nitong hindi nag-e-exist! Well, parte lang iyon ng kanyang pagpapantasya dahil ang totoo ayaw niya lang aminin sa sariling hindi siya ang ka-ibigan nito kundi isa lamang kaibigan. Kaya naman nang makilala niya ang girlfriend nitong si Abegail "Abby" Espejo parang sinampal siya ng katotohanan. Gumuho ang kanyang pantasya at lalong nagkadurug-durog ang dati nang durog na puso. Pero anong gagawin niya kung mahal na mahal niya talaga ang ultimate bestfriend kahit pa mayroon siyang Light Villafuerte, ang knight in shining armour, masugid na manliligaw at kapwa niya martir na palaging nakaagapay sa kanya? Sundin na lang kaya niya ang sinabi ni Ally Mcbeal na "...The best people are always taken. If you don't steal them you won't have them."