Hindi sya pinansin ni Prinsipe Gabriel at tuloy tuloy itong nag lakad, mula sa hardin na kung saan nandun si Nash, Prinsesa Heart at si Reyna Anne...narinig nila ang galit na galit na boses ni Prinsesa Zai Prinsesa Zai: walang hiya ka Gabriel bakit dito mo ako dinala....hindi ito ang aking palasyo, pati ba naman isip mo nababalutan ng palasyo ng Reyna. Hinarang nya si Prinsipe Gabriel at kanyang pinag babayo ang dibdbib nito, naiyak na sya sa sama ng loob dito. Nag lapitan sina Prinsesa Heart at Reyna Anne, pati narin si Nash sa kanila. Prinsesa Zai: bakit ano ba ang nagawa kong kamalian.....bakit sinasaktan mo ako ng ganito.....bakit binabalewala mo ako....Gabriel nakalimutan mo na ba na tatlong taon mo akong minahal.....bakit kay bilis mong makalimot. Umiiyak ang prinsesa habang pinag babayo ang dibdib ni Prinsipe Gabriel, hinawakan ng Prinsipe ang dalawang kamay ng Prinsesa Prinsipe Gabriel: patawarin mo ako, ngunit kahit ako di ko masagot ang mga katanungan mo. Prinsesa Zai: sinungaling ka sinungaling ka....sabi mo hindi mo ako sasaktan ngunit ano tong ginagawa mo. Reyna Anne: tama na Prinsesa...kumalma ka. Galit na tinapunan ng tingin ni Prinsesa Zai si Reyna Anne Prinsesa Zai: mang aagaw ka....akala ko mahal mo ako....akala ko pinsan mo ako bakit mo inaagaw sa akin si Gabriel? Reyna Anne: hindi ko alam ang ibig mong sabihin Prinsesa. Prinsesa Zai: anong hindi....isa kang Reyna ...paano ka naging Reyna kung hindi mo alam ang sinasabi ko.... may gusto sayo si Gabriel...mahal ka ni Gabriel...at inagaw mo sya sa akin...ang sama mo. Prinsesa Heart: Prinsesa mag hunus dili ka kausap mo ay ang Reyna irespeto mo sya. Reyna Anne: hayaan mong ibuhos nya ang lahat ng nararamdamng galit nya sa akin Prinsesa Heart. Prinsesa Zai: mang aagaw inagaw mo sa akin si Gabriel...nariyan na sayo si Haring Jin ....nariyan sayo si Nash...pinabayaan ko na sayo si Nash kahit masakit sa akin....pero ng dumating ang Prinsipe Gabriel sa buhay ko bakit pati sya aagawin mo.
16 parts