Binaling ni Clara ang atensyon sa pagpunta sa iba't ibang lugar, kung saan may iniwang ala-ala ang kaniyang yumao na kasintahan. Ito ang nakita niyang paraan upang magpatuloy at makawala sa sakit ng nakaraan. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Dahil sa lalaking nais kumuha ng kaniyang litrato, Imbis na makalaya at makalimot, ay nanumbalik lamang ang nakaraan. Ang nakaraan na nagsimula sa saya at pagmamahalan na unti-unting natapos sa sakit at kawalan. "Can I take a picture of you?" -Soon-