Key to your Heart
Sa gitna ng maulang hapon, nakahanap ng tahimik na sandali si Rafh, isang binatang may orthopedic disability, sa mundo ng musika. Matagal na niyang pangarap tumugtog ng piano sa entablado - pero dahil kulang ang daliri niya, hindi niya maabot lahat ng nota. Kahit ganun, hindi siya tumitigil.
Isang araw, habang naglalakad sa mall para umiwas sa ulan, napansin niya ang isang public piano na may karatulang "Play Me." Umupo siya, at nagsimulang tugtugin ang Someone Like You ni Adele - dahan-dahan, kapa-kapa, gamit lang ang mga key na kaya niyang abutin.
Hindi niya alam, may nakatingin sa kanya sa malayo - si Joschua, isang lalaking basa sa ulan pero tila nabighani sa musikang narinig. Lumapit siya, at marahang tinugtog ang mga kulang na nota.
Walang salitang binitawan, pero sa pagitan ng kanilang mga daliri, nabuo ang isang himig na parang matagal nang naghihintay mapakinggan.
Ngunit sa kalagitnaan ng sandali, tumunog ang cellphone ni Rafh. Si Mama ang nasa linya - tawag ng pag-aalala dahil sa lakas ng ulan at baha sa labas. Agad siyang tumayo at umalis, ngunit paglingon niya, nawala na si Joschua sa gitna ng mga tao.
Sa pag-uwi, tanging tugtog ng piano ang naiwan sa isip niya - at tanong na paulit-ulit: "Sino kaya siya?"