"La Sequoia, isang lugar na puno ng misteryo at mahika. Marami ang naniniwalang sa buong pulo ng Pilipinas ang lugar na ito ang sentro ng mahiwagang kapangyarihang matagal ng itinatago ng mga Miteo. Walang kahit sino mang taga lupa ang nakatapak sa mundong ito, tanging lagusan lamang nila ang aking nakita noon." Pagku-kwento ng matanda sa kanyang apo. "Paano niyo po 'to nalaman lola?" Napangiti ang matanda sa batang babae. "Iha tanging sa panaginip mo lamang makikita ang lagusan. Kung gusto mo talagang pumasok tandaan mong mabuti ang iyong panaginip." "Lola kung makakapasok ka doon ano po ang mangyayari? Ano po ang makikita ko roon." "Ang sabi-sabi nila sasalubungin ka raw ng isang gubat na halos katulad lang dito sa atin pero may pagkakaiba. Ang gubat na into at tinitirahan ng mga higante, sakop ito ng isang malaking kastilyo at ito ay ang..." Napatingin ang matanda sa orasan. Alas nwebe na kaya pinutol niya muna ang kuwento niya. "Bukas ko nalang itutuloy lampas na tayo sa bedtime schedule mo." Hinalikan niya sa noo ang bata. "Pangako iyan lola haa." "PANGAKO....." Thank you insomnia_everyday for the wonderful book cover I really loved it.....