"Isa itong tanong sa kung saan mamimili ka sa dalawa Kent, hindi madali.." natulala ako kung gaano ka-seryoso ang Noona (Ate) ko sa tanong. "But you have to choose right now, in front of this moon." Kaba ang dinulot nito sa dibdib ko, Madalas na palangiti ang Noona ko ngunit kakaiba ang dating na pinararating niya sa akin ngayon. "To the left, where nothing is right. Or to the right, where nothing is left?" sa hindi inaasahan ay nabitawan ko ang baril na hawak. "N-noona.." nakita ko ang pag tulo nang luha sa mga mata niya. "Hindi ko nais na pahirapan ka, Kent Axel.. Alam mo kung gaano kita kamahal, at alam mo kung ano ang kaya kong isugal para sayo." Pumikit ako at naramdaman ang takot at pangamba sa Dibdib.
90 parts