Dala na siguro ng pagiging writer ni Allison kaya naman masyado siyang idealistic pagdating sa love at sa lalaking mamahalin. Gusto niya iyong mga tipo ng bidang lalaki sa mga nobela niya. Tall, dark, and handsome. Successful sa buhay, romantic at mapagmahal. Iyong tipong ideal man ng lahat ng babae. Pero sabi nga nila, kokonti nalang ang mga ganung klase ng lalaki. Yung iba nagiging bakla pa. Kaya sinabi ni Allison sa sarili, kung hindi rin naman ganung klase ng lalaki ang matatagpuan niya, hindi nalang siya magmamahal. Until she met Rain Sebastian. Ang taong nagnakaw ng FIRST KISS niya!
9 parts