Ang panitikang ito ay orihinal na likha ng may akda bunga ng kaniyang mabusisi at malikhaing pag-iisip. Ang pangunahing tauhan sa kuwentong ito ang siya ring dahilan o nag-udyok sa may akda upang isulat ang nasabing literatura. Ito ay isang munting regalo na taos pusong inihahandog sa kaniya para sa kaniyang ikadalawampu't walong kaarawan. Kilala si Sheena Jeon bilang isang mapagmahal at huwarang ina, mabuti at matulunging kaibigan at matapang at masayahing tao. Isang babaeng busilak ang kalooban at malinis ang hangarin sa kapwa. Mababatid sa kuwentong ito kung ano nga ba ang dahilan kung bakit ganoon na lamang ang kaniyang naging katangian. Paano siya naging si SHEENA? Ipinapaalam ng may akda na ang kuwentong ito ay pawang kathang-isip lamang. Pinili ang wikang Filipino, gamit ang Pormal na lebel at pampanitikang antas ng wika upang lubos na mas maunawaan ang nilalaman ng kuwento.