Si Miranda, ang babaeng sukang suka sa bakla. Once upon a time she fell in love with Anton. Ang lalaking kasama nya sa lahat ng hirap. Ang lalaking bumubuo nang araw niya. Ang lalaking nangakong kahit kailan hindi siya lolokohin at ipagpapalit sa ibang babae. Hindi nga siya pinagpalit sa babae, sa lalaki lang naman. To be specific, gay.Iniwan siya nito at ipinagpalit sa bakla. After three years muli siyang umibig, at tulad ni Anton, iniwan rin siya nito para sa isang bakla. Muling umeksena si Anton sa buhay nya, ipinagsisikan ang sarili sa kanya kahit malinaw na isinusuka niya ito. At ang haliparot na bakla ang kapal ng mukha nitong ipangalandakan sa madla na siya lang ang inibig nito!