Mahal mo siya kaya kailangan mo siyang bitawan kasi nakuha na siya ng ibang babae. Anong gagawin mo pag nalaman mong may lalaking nagkakagusto sayo na crush ng dalawa mong kaibigan? Mahihila ka ba (lalo na kapag pogi) kaya magugustuhan mo rin sya? o wala kang pakialam kasi may mahal ka nang iba? o kaya naman pinapabayaan mo kasi feel mo lang na may nagkakagusto sayo? Para sa akin, kapag nalaman mo kasing may nagkakagusto sayo, mahihila ka ng feelings ng lalaking yun lalo na kapag may itsura o siya yung lalaking nasa standards mo kaya magugustuhan mo rin siya. Ano nga bang reaksyon mo kapag nangyari sayo to? Ito ang story ko para sa inyo. Tungkol sa lalaking napansin ka kahit maraming pumapaligid na babae sa kanya. Pero isang lalaking hindi kayang umamin. Yung lalaking bestfriend niya pa ang magsasabi sayo. Yung lalaking walang balak sabihin sayo. Yung lalaking TORPE.