Story cover for My Lover is a Monster by LojanSinbi
My Lover is a Monster
  • WpView
    Reads 30
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 2
  • WpView
    Reads 30
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 2
Ongoing, First published Jun 09, 2020
Sa isang baryo kung saan ang mga nakatira ay payak na namumuhay, simple at masayahin, nakarating si Vanessa dahil sa isang kaibigan at pansamantalang nanirahan doon.

Maituturing na isang paraiso ang lugar ngunit may isang parte niyon ang kinatatakutan ng mga taga baryo. At tulad ng ibang lugar ay may mga kwentong baryo din doon. Ang liblib na lugar daw doon ay may naninirahang mga halimaw!

"Jusme! twenty first century na nagpapaniwala pa kayo dyan? High-tech na ngayon. Ang dami ng mga invention na nadidiscover. Tapos kayo pala dito di pa maka get over sa mga ganyang paniniwala? Oh Em Gee!"

Tatawa tawang pahayag ng dalaga sa tiyahin ng kaibigan.

"Ineng, hindi gawa gawa ang kwento kong iyon. Sa masukal at liblib na lugar na yon may nananahan na mga halimaw! Madami nang mga dayo ang nag pupunta dito at hindi na nakakalabas ng lugar na ito dahil mga hindi marunong makinig! Kaya marapat lang na pag sapit ng takip silim ay wag ka nang lalabas ng bahay kung gusto mo pang masilayan ang syudad!"

Pagalit na tugon ng matanda sa kanya. Isinawalang bahala na lang n'ya iyon at in enjoy ang bakasyon sa magandang lugar. Sa isip n'ya marahil ay tinatakot lang s'ya nito.

Isang araw may nakilala s'yang super poging lalaki. Hinabol pa n'ya ito hanggang makarating sa sa kinatatakutang lugar. Nang oras na yon ay hindi takot ang nararamdaman n'ya kung hindi ang pag nanais na makilala ang lalaki. Sa pag pasok nya sa liblib na lugar ay doon n'ya nalaman na hindi gawa gawa ang mga kwento sa baryong iyon patungkol sa mga halimaw. Dahil kitang kita mismo ng dalawa n'yang mata ang mga ito...
All Rights Reserved
Sign up to add My Lover is a Monster to your library and receive updates
or
#150lover
Content Guidelines
You may also like
Places & Souvenirs - BORACAY 3 - Island Adventure, Island Magic by JasmineEsperanzaPHR
19 parts Complete
In-adjust ni Maia ang sunglass at ipinagpatuloy ang sunbathing niya. She closed her eyes at hinayaan niyang haranahin siya ng mabining hampas ng alon sa dalampasigan. She felt very much relaxed. She let her other senses para madama ang paligid niya. She could inhale the ocean breeze and tropical sun. At bagaman may sumasaging ingay ay hindi iyon nakakasira sa imahinasyong gumagana sa isipan niya. Then suddenly, parang natabunan ng mabibilis na mga yabag ang isip niya. At bago niya nagawang idilat ang mga mata upang alamin ang dahilan niyon ay isang kalabog na ang narinig niya. Napabangon siya nang tila may sumipa sa balakang niya. "I'm sorry." Sinsero ang tinig nito. Napatitig siya dito. The skin was a toasted brown at parang pinaliguan ng pawis. His broad chest was also damp. At sa paghinga nito ay tila lalong nagkakaroon ng karakter ang matitigas na kalamnan nito. His eyes were glowing in its darkest brown. "Hindi mo naman siguro sinasadya," sagot niya at itinapis ang tuwalya sa katawan. "I'm Drigo Valderama." "Maia." Tumuloy na siya sa cottage niya. Mabilis siyang nag-shower at nang nagbibihis na ay saka lang niya naalalang mag-almusal. At habang nag-iisip kung lalabas siya uli o magpapa-room service ay muli na namang pumasok sa isip niya ang estranghero. Hindi niya alam kung bakit. While on shower ay ang lalaki na ang nasa isip niya. Bakit parang ayaw siyang tantanan ng anyo nito? How could she be so much affected by a mere stranger? Oh, well, not really a stranger. He was Drigo Valderama, according to him.
Re«play by VanzLorica
5 parts Complete
Nakaranas ka na ba ng pagka-sawi o kaya'y mabigo sa isang bagay sa iyong buhay? Kung mararanasan mo man ito, Ano ang gagawin mo? Napapansin ko lang kasi na halos karamihan ng tao na nakakaranas ng pagka-bigo sa buhay ay kadalasang napapariwara at nawawala sa tamang landas ang kanilang buhay. Maaaring pagka-bigo man ito sa pag-ibig, sa trabaho o kung ano pa man, at kung minsan pa nga'y yung iba ay humahantong sa pagpapakamatay sa kanilang mga sarili. Ngunit kung maisip mo man na gawin ito... Teka lang muna Kaibigan. Baka may nakakalimutan ka lang tungkol sa iyong sarili. Ang kuwentong ito ay ang pagpapatuloy sa kuwento ng "Lumuluhang Puso at Tumitibok na Luha" na mababasa rin sa wattpad. Ito ang kuwento kung saan Nagbakasyon si Vanz sa kanilang probinsya sa Mindanao. Sa pagpunta niya at pagbalik sa probinsya ay doon niya mararanasan ang panibagong yugto sa kanyang buhay na siyang may ugnayan sa kanyang tunay na sarili. Si Vanz ay isang binatilyong taga-Luzon, simple ngunit may malambot na damdamin minsan. Ang Kaniyang damdamin ay tila magkahalo at tila hindi niya maintindihan. Kadalasan ay naguguluhan siya sa ilang mga bagay pagdating sa kaniyang kalooban. Ngunit sa pagdating niya sa Probinsya. Malalaman kaya niya kung ano ba talaga ang tunay niyang nararamdaman sa kanyang sarili na tila hindi niya maipaliwanag? Upang malaman ang mga nangyari kay Vanz at tungkol sa mga damdaming hindi niya maipaliwanag ay maaaring basahin ang kuwento ng "Lumuluhang Puso at Tumitibok na luha" upang mas maunawaan ang mga mangyayari sa kuwentong ito. (^_^)
Mysterious University by _D4rk_S1d3_
43 parts Complete Mature
"Bakit kayo lang ang nakakakita sa entrance ng University?" "Seryoso? wala kang nakikita? Pare-parehas lang naman tayong may mga mata ah. Hindi mo ba talaga nakikita ang malaking gate na ito? Tapos ang laki-laki pa nga ng nakasulat sa itaas 'Mysterious University' oh. " At tinuro pa ni Akiera ang sulat sa itaas. "Hindi ko nga nakikita ang lahat ng nilalarawan mo. All I see is an empty lot." "Empty lot? Eh ang tayog pa nga ng gusaling nakatayo. Mala-mansyon nga yata yung isang iyon na nasa bandang silangan." Pagpupumilit ni Akiera. Hindi niya alam kung paanong idetalye ang lahat ng tanaw ng kanyang paningin mula sa entrance ng Unibersidad kung saan sila kasalukuyang nakatayo. "Baka pili lamang ang maaaring makakita sa paaralang ito." "So anong gagawin natin eh wala nga talaga kaming makita." "Marahil ang nakakakita lamang ang maaaring sumubok na pumasok." Sabi ni Junard. "Eh paano naman kaming walang makita?" "Mabuti pa umuwi na muna kayo. Kami na bahalang lumutas sa misteryong ito." Pagsabi nito ay pumasok na sa bukas na gate si Damien. "Hala nasan na si Damien? Bigla syang nawala." Gulantang ng mga kaibigan niyang hindi nakakakita sa Paaralan. "Hindi nyo rin siya kita? Eh ayon oh, naglalakad lang sya sa path ways, pumasok na kasi siya ng gate." Paliwanag ni Akiera na lubos na ipinagtatanggol na totoong may entrance. "Damien! Oyyy! Hintayin mo ako. Walang iwanan ah." At tumakbo na din si Akiera papasok sa loob. "Hala! pati si Akiera ay naglaho!" Namimilog sa gulat ang mga mata ni Sabrina. "Sabrina!" "Naku buhatin nyo, nahimatay na si Sabrina." "Kayo na ang bahala kay Sabrina. Hindi ko maaaring hayaang mag-isang kasama ni Damien si Akiera. We all know that Damien is not a good man. Hindi ko ipagkakatiwala sa kanya si Akiera." Pagsabi nito ay patakbong pumasok si Junard sa Entrance. "Junard no!!!!" Sigaw ng isa sa mga naiwan. Pero huli na ang lahat, hindi na ito nagpapigil. _____ Mature Content 🔞 Disclaimer: Photo
You may also like
Slide 1 of 10
Places & Souvenirs - BORACAY 3 - Island Adventure, Island Magic cover
WHAT'S ON THE CELLAR? cover
The Massacres (COMPLETED) cover
Mystery in Island (Completed) cover
Re«play cover
Ang Misteryo Sa Bayan Ng Mga Patay cover
Mysterious University cover
Silent Love cover
Lost in the Woods ✔️ (COMPLETED)  cover
BEDTIME STORIES Vol. 1 (Ang Koleksyon ng mga Maiksing Kuwentong Katatakutan) cover

Places & Souvenirs - BORACAY 3 - Island Adventure, Island Magic