"Life is not a problem to be solved, but a reality to be experienced." Isa 'yan sa paborito kong quotation noong bata ako. Ang perpekto nga ng pamilya namin at kontento din sa mga bagay bagay kaso minsan naiisip ko rin kung gaano ako nag-iisa. Yung tipong gusto ko nalang maglaho kasi hindi lang yan ang problema ko. May sakit ako na "Pancreatitis". Hindi namin alam kung saan ko 'to nakuha at wala pang nakakaalam nito maliban sa pamilya ko. Nalaman ko lang na may ganito pala akong sakit noong matapos akong mag-grade 9. Hindi ko pinapaalam 'to sa aking mga kaibigan dahil ayokong nag-aalala sila. Dumating din ako sa punto na parang gusto ko nalang patayin ang sarili ko kase sa huli mamamatay din naman ako lalo na at may sakit ako. Hindi ko inaasahan na may isang taong ituturing akong parang kapatid at pinasaya ako kahit sandali lang na babago sa pananaw ko sa buhay. Ako nga pala si Ryon Sakamoto, isang honor student at gusto kong malaman ang sagot sa mga katanungan ko. Kung magtatagal pa ba ko kahit may sakit ako? Malalampasan ko kaya ang mga problema ko? O susuko nalang ako sa buhay ko?