[I wrote this for myself but feel free to enjoy it too.] "I like you." Nanlalaki ang mga mata na pinagmasdan nya ito. Titig na titig ito sa kanya, na para bang binabasa ang buong pagkatao nya. Ni hindi nya nga ito kilala, basta nalang syang hinila nito at dinala sa liblib na parte ng eskwelahan nila. Di kaya youtuber to? Baka prank lang to?! Sayang. Sana nakapagbigay sya ng maayos na reaksyon, hindi yung nakatitig lang sya dito. Para tuloy syang tanga. Sinubukan nyang tumawa pero ang peke ng kinalabasan. "Nice... Nice joke." Sambit pa nya at pabiro itong sinuntok sa balikat. Umiling sya at aalis na sana ng hawakam nito ang pulso nya. Pinihit sya nito paharap at nagulat sa sunod na ginawa nito. Hinalikan sya nito. Hindi sa pisngi, kundi sa labi.