Sa mga school hindi mawawala ang mga bully. At kung may bully siguradong hindi mawawala ang mga binubully o yung tinatawag ng iba na nerd. At ako? Kabilang ako sa mga binubully. Hindi naman ako nerd pero siguro dahil nag mula ako sa simpleng pamilya ko. Pamilyang walang pinapatakbo na kompanya, walang malalaking negosyo at pamilyang may kaya. Kaya siguro ako binubully dahil narin sa status ng pamumuhay ko. Pero isang araw, nag bago ang lahat, pumasok ako sa paaralan ng walang nanunulak or nag tatapos sa akin ng kung ano ano, walang nang aagaw ng assignment ko walang naninira ng projects ko na ipapasa walang nag lalagay ng basura sa bag ko. Wala lahat ng iyon. Hindi kaya tinigilan na nila ako nag sawa na sila na ako at ako ang binubully nila. O baka nag papahinga lang. Simula ng araw na iyon ay sobrang dami ang nag bago sa buhay ko.All Rights Reserved