Ilang ulit na siyang Niloko. Ilang ulit na siyang Sinaktan. Ilang ulit na siyang ginawang Tanga. Siya ay si Isa Castillo, simple lang walang arte sa sarili. Matalino at maganda pero kahit gaano pa siya kaganda niloloko parin siya ng boyfriend niya. Kahit gaano pa siya katalino pero kapag nasa harap na niya ito nabablangko na ang isip niya. Gusto na niyang kumalas pero di niya magawa dahil mahal niya ang lalaking kangang iniirog. Mahal niya ang lalaking manloloko. Mahal niya ang lalaking sinungaling. At ang lalaking ito ay si Sean Dela Cruz, gwapo,mayaman, hambog, at babaero. Pero kahit ganito ito ay minahal parin ito ni Isa ng buong-buo. Ngayon na wala na sila dahil di na kinaya ni Isa, ano na nga ba ang mangyayari sa kanilang dalawa?