Itinakdang ikasal si Alexandra Antonia Egan kay Domevan Terell. Bata pa lamang ay palihim nya ng gusto si Domevan. Bata pa lamang ay magkakaibigan na si Alexandra Antonia Egan, Cassandra Antonette Egan at Domevan Terell. Hindi lingid sa kaalaman ni Xandra ang lihim na pagtitinginan nila Sandra at Evan. At mas lalong hindi lingid sa kaalaman nilang tatlo na si Xandra ay ipagkakasundo kay Evan at si Sandra ay ipagkakasundo kay Seven Havens-- family friend ng mga Egan. Ngayon engaged na silang apat. Alam nya kung paano palihim na nagkikita si Sandra at Evan. Minsan ay nakikita nya itong naghahalikan. Gusto nya mang magalit pero alam nyang wala syang karapatan dahil unang una ay siya ang dahilan kung bakit nasira ang dating relasyon ni Sandra at Evan. Alam nyang sya ang kontrabida sa istoryang ito. Ilang ulit nya ng tinangkang makipag-usap sa parents nya at sa parents ni Evan na wag ng ituloy ang kasal dahil bukod sa nasasaktan sya ay alam nyang si Sandra at Evan dapat, pero hindi ito pumayag. Mas lalong gumawa ng paraan ang mga ito para sila ang magkatuluyan. Araw araw nasisira ang buhay nya dahil sa pagtataksil at mga kagagawan ng kanyang kakambal at ng kaniyang boyfriend at lalong lalo na dahil sa guilt. Gusto nya munang kumawala at magkaroon ng katahimikan mula sa reyalidad pero alam nyang wala syang kawala. Kahit isang beses gusto nyang maging bida sa isang istorya. Kahit isang beses wag naman puro problema. Kahit isang beses gusto nyang isipin na meron syang happy ending tulad sa mga bida. Sawang sawa na syang maging dahilan ng sakit, paghihirap at pagsasakit ng kanyang minamahal at ng kanyang mahal na kapatid. *** ←(*꒪ヮ꒪*)