Simula ng mawala ang papa ni Kyle sa isang aksidente ay naging malayo na ang loob niya sa kanyang nakatatandang kapatid na si Ceejay. Nag aral siya para maging doktor dahil iyon ang gusto ng kanyang kuya. Kahit labag sa kalooban niya. Mabuti na lamang at nandoon si Jane ang kanyang schoolmate at BFF na syang naging sandalan niya sa lahat ng mga nangyayari sa kanya. Sa hindi inaasahang pangyayari ay magkakaroon si Kyle ng pagkakataong makasama ang kanyang crush na si Tomy. Isang law student na naghahanap ng kalinga mula ng iwan siya ng kanyang Girlfriend.