Si Bright Vachirawit Chivaaree ay ang anak ng pinakatanyag na private investigator sa bansa. Sa murang edad ay lumaki na siya sa mundong puno ng misteryo at krimen. Naging apprentice siya ng kanyang ama pagkatapos niyang grumaduate ng high school hanggang sa naging ganap na investigator na rin siya pagtungtong niya sa edad na bente-uno. Bagamat sumunod rin siya sa yapak ng kanyang ama ay napilitan siyang itigil ang kanyang trabaho dahil sa iisang pagkakamali lamang. Pagkatapos noon ay hindi na siya nagpakita pang muli sa publiko bilang isang private investigator. Si Win Opas-iamkajorn naman ay ang apo ng pinakamayamang business mogul sa bansa. Lumaki sa siyudad, kalimitan mo siyang makikita na naggagagala sa mga mall sa umaga, at nagpapakalasing sa mga bar pagsapit ng gabi. Nakadepende ang kanyang marangyang pamumuhay sa pera ng kanyang lolo dahil siya na lang ang natitira niyang kamag-anak matapos mamatay ang kanyang mga magulang sa isang aksidente. Bilang isang fresh graduate ng Business Administration, si Win rin ang usap-usapang tagapagmana sa milyon-milyong negosyo ng kanyang lolo. Sa hindi inaasahang pangyayari, na-assasinate ang lolo ni Win sa pagdiriwang ng kanyang ika-80 na kaarawan. Itinakas ni Bright si Win dahil naniwala siyang nasa panganib ang buhay ni Win bilang ang apo at tagapagmana ng kumpanya. Anong mangyayari kapag humingi ng tulong si Win mula kay Bright para imbestigahan kung sino ang pumatay sa kanyang lolo? Papayag ba si Bright sa gusto ni Win? Mapupunta ba kay Win ang kumpanya? Anong madidiskubre nila tungkol sa kanilang mga buhay? Malalaman ba nila ang dahilan kung bakit sila ipinagtagpo ng tadhana bago mahuli ang lahat?