Anong gagawin mo kung malaman na may Third Eye ka at dahil dito, nakakakita ka ng mga bagay-bagay na ikaw lang ang nakakakita pwera sa mga bagay na nakikita ng mga ordinaryong tao? Iyan ang situasyon ni Rochelle Mae Garcia, isang highschool student sa isang sikat na university. Kailan lang ay nalaman niyang meron nga siyang Third Eye kaya nakakakita siya ng mga taong patay na. Kasama niya sa mga pagsubok ng buhay ang dalawa niyang matalik na kaibigan na sina Chloe at Joyce. Maraming mangyayaring kababalaghan sa mga lugar na kung saan nandun si Rochelle. Marami siyang makikilala; mga tao pati na rin multo. Marami siyang magiging problema. Matatanggap pa kaya siya ng mga kaibigan niya kapagnalaman nila ang sitwasyon niya? Makakatagpo kaya si Rochelle ng tunay na pagibig sa kabila ng mga nangyayari sa kanya? Tara na't samahan natin sila sa paglalakbay sa mundo ng kababalaghan at pag-ibig.