Montero Series #2 Si Russel Salonga ay isang simpleng babae na may magandang pangarap sa buhay, kahit mahirap lang sila ay hindi siya nahirapang makapasok sa St. Louis Academy na puro mayayaman ang nag aaral, isa siyang honor student kaya nakapasok siya doon. Tahimik ang simula niya sa St. LA, pero nagbago ang lahat ng makilala niya ang masungit na SSG President na si Matthew Montero. At ang mas masaklap ay naging sekretarya siya nito. habang tumatagal ay mas nakikilala niya ang binata na di niya namamalayan na may nararamdaman na siya para rito, pero hindi niya magawang magtapat dahil magkaiba ang estado nila sa buhay. Ililihim niya lang ba ito? O? Ipagtatapat niya ang kanyang nararamdaman para sa binata?