Si Soulene Gonzales ay may gusto sa taong kahit kailan ay hindi naman siya nagustuhan. Kaya siya ay gumagawa lagi ng paraan para lang mapansin siya nito. Naniniwala siya na pag ginawan mo ng paraan ang isang bagay ay matutupad ito. Pero paano kung dumating ang araw na bigla nalang siya mapagod? Pano kung ang pinaniniwalaan niya dati ay bibitawan niya nalang? Maghihintay nalang ba siya palagi? Balang araw.