Ang bawat tao ay nararapat na makatanggap ng halaga, pag-unawa at pagmamahal mula sa kaniyang kapuwa. Ano mang estado ng buhay ay dapat na pantay-pantay ang tingin sa lahat. Walang dapat na mas umangat. Pero paano kung hindi siya binibigyan ng pansin? Ang bawat hinaing at daing niya ay hindi makuha sa tingin? Mamahalin pa rin ba siya? O mananatili na lang bilang kupas na kulay sa kanilang mga alaala? Ano ang mangyayari kapag nagkatagpo ang dalawang tao na magkaiba ang pananaw sa buhay? Ang isa ay matagal nang kumupas ang saya sa mga mata at nababalot ng matinding kalungkutan. Habang ang isa naman ay punong-puno ng saya at pag-asa. Ano ang mas mananaig? Kalungkutan o kasiyahan? Pag-asa o pagkawasak?