Ang goal lamang ni Amory ay makapagtapos ng pag-aaral dahil sa kagustuhan nitong maging isang doctor, Hindi kaylan man pumasok sa isipan niyang magnobyo dahil sa sariling pamahiin ay sabagal lamang daw ito. Isa sa mga iniiwasan niya ay ang maalala ang masaklap na nakaraan, Pero sadyang nananadya ang panahon.
Hindi inaasahan na makikilala niya si Reniel Lux isang gwapo at tahimik na tao, Mayaman at kumpleto ang pamilya niya. Hindi rin nito inaasahan na makikilala niya si Amory. Habang tumatagal ay unti unti na nitong nagugustuhan si Amory, Hanggang sa hindi niya rin inaasahan na mamahalin niya ito na higit pa sa kanyang sarili.
Habang minamahal ni Reniel si Amory ay sadyang may humahadlang. Sa pilitang tinutulak ng kaniyang lola ang babaeng hindi nito gusto. Kaya naman ay hindi madali kay Amory ang pagdesisyong palayain ang taong mahal niya, Sa kagustuhan nitong maging maganda ang kinabukasan ng kaniyang minamahal ay pinalaya ni Amory si Reniel.All Rights Reserved