Si Chin Galvez, isang sikat na mang-aawit na minahal ng masa. Ngunit sa kabila ng kasikatan at tagumpay, isa lang ang hindi niya makalimutang iwan: si Andrei Lee, ang lalaking minahal niya bago pa siya pinili ng mundo.
Pagkalipas ng ilang taon, muling nagtama ang kanilang mga landas sa isang tahimik na isla, malayo sa ingay, sa camera, at sa nakaraan. Si Chin, naghahanap ng kapayapaan. Si Andrei, ng kasagutan. Pero ang natagpuan nila ay isang damdaming hindi pala kailanman nawala.
Habang unti-unti nilang binubuo ang tiwalang nasira, kasabay na bumabalik ang mga alaala-ang kilig, ang sakit, at ang tanong na hanggang ngayon ay wala pa ring sagot:
Maaari pa ba tayong maging "tayo" muli?
Isang kwento ng pagsisisi, paghilom, at pag-ibig na kahit ilang ulit nang iniwan, nananatili pa rin sa puso.
Kakalimutan ni Gab ang dating kasintahan niyang walang ginawa kundi saktan ang puso niya. Para na siyang timang na kahit gaano pa kasaya ng paligid ay tumutulo ang luha niya.
Out of the blue naman na darating ang isang lalaki sa buhay niya na parang handa yatang ipalimot sa kanya ang mapait niyang karanasan sa lintik na pag-ibig na yun. Pero unti-unti rin niyang natutuklasan na siya naman ang masasaktan sa bandang huli pero lalaban siya ano ba naman ang pagka Gabriella version 2.0 niya kung lalamya lamya siya.
Eh ano ngayon kung itong One True Great Love niya ay hari ng kamanhidan at hanggang pasweet lang? May magagawa pa kaya siya kung dumating ang forevermore nito?
This story is para sa mga nasa stado ng FRIENDZONE, COMPLICATED AT MAGULONG RELASYON. Sa mga taong nagtatanong ng KAMI BA O HINDI?
Sa mga ASSUMING at umaasa, sa mga taong umiiyak na at bumabangon pa. Sa pag-ibig na talagang malabo na simula pa umpisa.
Meet Gab and Japoy.
Swear magulo tong story na to, makigulo na rin kayo.
Pag nabasa niyo na pahug nga muna, mwah tsuptsup.
Love with all of my heart,
CuddlyLittleAngel (CLA)