5 DAYS (PUBLISHED UNDER CLP)
  • Reads 1,083
  • Votes 144
  • Parts 27
  • Reads 1,083
  • Votes 144
  • Parts 27
Complete, First published Jun 13, 2020
Mature
Bawat araw sumasakay si Ailey Espinar sa bus upang makarating sa Unibersidad de Laurente. Nakikipagsiksikan, tulakan at pambuno muna siya para lang makaakyat upang makarating sa kaniyang destinasyon. Masasabing madaldal, masayahin at palakaibigan si Ailey. Nagkagusto siya sa Nursing Student, iniligtas siya nito sa lalaking nambastos sa kaniya hanggang isang araw nagulat na lang siya na malapit na sila sa isa't isa. Natagpuan niya ang sariling parang baliw na nakangiti at masaya tuwing pupunta sa sakayan ng bus. Sa loob ng apat na araw palagi silang nagkakasama ng lalaking ito, pero hindi niya man lang inabalang tanungin kung ano nga bang pangalan niya. Sa ikalimang araw nilang magkasama napagdesisyunan niyang tanungin ang pangalan subalit bubuka pa lang ang kaniyang bibig naitikom niya na iyon dahil sa lakas ng sigawan ng mga tao, maaaksidente sila! Akala niya ay katapusan  na ng buhay niya, pero may mga bisig na yumakap at promotekta sa kaniya. Hindi niya inaasahang naligtas siya sa masalimuot na pangyayari-niligtas siya ng lalaking kahit pangalan ay hindi niya alam. Iyon ang araw na naisipan niyang tingnan ang I.D. nito-Denveir Camerino. Namatay siya sa aksidente, hindi niya man lang nasabi ang nararamdaman niya para rito.

Simula nang mangyari ang trahedya natakot na siyang sumakay sa bus. Lumipas ang ilang buwan, habang naglalakad siya sa hallway ng Laurente bitbit ang box ng buko pie may bigla na lang tumawag sa kaniya. Kinabahan at natulala na. Wala sa sariling tinakbo niya ang distansya nila ng lalaking kamukhang-kamukha ni Denveir! 

Sino nga ba ang lalaking 'yon? Siya ba talaga si Denveir?
All Rights Reserved
Sign up to add 5 DAYS (PUBLISHED UNDER CLP) to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
When I Fell In Love With My BestFriend (Moment of Truth) by Ibrielle
29 parts Complete
Mahigit isang taon ang mabilis na lumipas. Naroon uli si Cherra sa lugar na iyon, kung saan sya unang lumuha at nasaktan. Naroon sya sa eksaktong lugar kung saan una nyang nakitang hinalikan ni Rod si Mendy. Kahit hanggang ngayon ay parang ganoon pa rin ang nararamdaman nyang kirot nang maalala ang tagpong iyon. Kasalukuyan syang nakatayo malapit sa baybayin ng resort na iyon habang nakatanaw sa dagat, hinahayaang malayang liparin nang hangin ang kanyang hanggang beywang na buhok. Malungkot na binabaliktanaw ang nakaraan. “Cherra..” mahinang pagtawag ng boses na iyon ng pangalan nya. Ang boses na iyon, na kay tagal nyang inasam na marinig. Na lagi ay dinadalangin nyang dumating ang araw na muli itong mapapakinggan, at makita ang nagmamay-ari nitong kay tagal na niyang inaasam na masilayan. Animo isa itong musika sa kanyang pandinig na tumunaw ng kanyang nararadamang kalungkutan, at bagkus ay pinuno nito ang kanyang puso ng kaligayahan. “Rod..” mahinang usal nya sa pangalan nito, nang dahan-dahan nyang lingunin ito. Nakita nyang nakangiti ito at nakatitig habang unti-unti itong lumalapit sa kanya. Tila nananaginip sya ng mga sandaling iyon. Panaginip na dinadalangin nyang huwag sanang mawala, sa oras na magising sya. Panaginip na lagi nyang dinarasal na sana ay pagbigyan ng Maykapal ng katuparan. Ito na ba katuparan na iyon? Ngayon na ba ang panahon kung saan pwede na nilang bigyan daan ang kanilang mga nararamdaman? Pero paano ang kasintahan nitong si Mendy? At paano ang nobyo nyang si Gustav? Papaano nila haharapin ang mga ito? (UNEDITED)
Mysterious University by _D4rk_S1d3_
43 parts Complete Mature
"Bakit kayo lang ang nakakakita sa entrance ng University?" "Seryoso? wala kang nakikita? Pare-parehas lang naman tayong may mga mata ah. Hindi mo ba talaga nakikita ang malaking gate na ito? Tapos ang laki-laki pa nga ng nakasulat sa itaas 'Mysterious University' oh. " At tinuro pa ni Akiera ang sulat sa itaas. "Hindi ko nga nakikita ang lahat ng nilalarawan mo. All I see is an empty lot." "Empty lot? Eh ang tayog pa nga ng gusaling nakatayo. Mala-mansyon nga yata yung isang iyon na nasa bandang silangan." Pagpupumilit ni Akiera. Hindi niya alam kung paanong idetalye ang lahat ng tanaw ng kanyang paningin mula sa entrance ng Unibersidad kung saan sila kasalukuyang nakatayo. "Baka pili lamang ang maaaring makakita sa paaralang ito." "So anong gagawin natin eh wala nga talaga kaming makita." "Marahil ang nakakakita lamang ang maaaring sumubok na pumasok." Sabi ni Junard. "Eh paano naman kaming walang makita?" "Mabuti pa umuwi na muna kayo. Kami na bahalang lumutas sa misteryong ito." Pagsabi nito ay pumasok na sa bukas na gate si Damien. "Hala nasan na si Damien? Bigla syang nawala." Gulantang ng mga kaibigan niyang hindi nakakakita sa Paaralan. "Hindi nyo rin siya kita? Eh ayon oh, naglalakad lang sya sa path ways, pumasok na kasi siya ng gate." Paliwanag ni Akiera na lubos na ipinagtatanggol na totoong may entrance. "Damien! Oyyy! Hintayin mo ako. Walang iwanan ah." At tumakbo na din si Akiera papasok sa loob. "Hala! pati si Akiera ay naglaho!" Namimilog sa gulat ang mga mata ni Sabrina. "Sabrina!" "Naku buhatin nyo, nahimatay na si Sabrina." "Kayo na ang bahala kay Sabrina. Hindi ko maaaring hayaang mag-isang kasama ni Damien si Akiera. We all know that Damien is not a good man. Hindi ko ipagkakatiwala sa kanya si Akiera." Pagsabi nito ay patakbong pumasok si Junard sa Entrance. "Junard no!!!!" Sigaw ng isa sa mga naiwan. Pero huli na ang lahat, hindi na ito nagpapigil. _____ Mature Content 🔞 Disclaimer: Photo
You may also like
Slide 1 of 10
Love in the Middle of Death cover
I don't like.. LIKE YOU!! (gxg) cover
When I Fell In Love With My BestFriend (Moment of Truth) cover
Read and You'll die cover
Anghel sa Lupa (Brett Arana & Sarah Joy Galban) cover
Can You be My 15 days Girlfriend? cover
My Trending Affair (R-18 / PUBLISHED @ Ebookware) cover
Stranger Again [COMPLETED]  cover
Reincarnation Series 1: She Reincarnated A Body Agent  cover
Mysterious University cover

Love in the Middle of Death

34 parts Complete

Si boy- para sa mga mata ng tao, ordinaryo siya, pero para sa kanya kakaiba siya. Kaya niyang makapunta sa isang lugar sa loob ng ilang segundo, kaya niyang makita ang mangyayari sa isang tao, pwede niyang marinig ang mga bagay na imposibleng marinig ng iba . Pero may isang bagay na hindi niya kayang pigilan, at 'yun ay ang panaginip niya. Lahat ng napapanaginipan niya ay nangyayari sa totoong buhay. Kahit na ito ay kamatayan . Pero hindi niya mailigtas ang mga tao sa paligid niya . Si girl- Clumsy, maganda, matalino, maykaya, makulet, maingay, magulo. Lahat na yata ng mga katangian ng isang bata ay napunta sa kanya . Paano kung mag-krus ang landas nila? Paano kung ma-inlove sila sa isa't isa? Paano kung sa kalagitnaan ng pagmamahalan nila, dun papasok ang malagim na panaginip ni boy? Mailigtas kaya niya sa kapahamakan ang babaeng minamahal niya? Makakaya kaya niya? Kung gusto mong malaman, alamin at basahin mo! (Fantasy, Romance, Teen-fiction) Para may Thrill :) -- katherinecort21