[Santillan Series 4] Upang makatakas sa stress at pagkukumpara sa kapatid, ninais ni Kheno na talikuran ang buhay na nakasanayan. Namuhay ng simple at payapa sa kabila ng karangyaan niya sa buhay. Pagod na siya, pagod na siya na laging kinukumpara sa kapatid niyang si Brett. Dahil doon ay napagpasyahan niyang pumunta sa probinsiya ng dati niyang yaya. Doon siya mag-uumpisang muli. Doon din niya makilala ang babaeng bibihag ng kanyang puso. Tuluyan na kaya siyang makakatakas sa lahat ng problema at makapagsimulang muli o mahihirapan lang siyang harapin ang bagong buhay dahil sa isang babae?